Ituloy ko ba ang med?

Torn pa rin ako kung magmemed pa ba ‘ko. Nag-rereview ako ngayon para sa boards ng premed ko at di ‘ko alam ano mangyayari sakin after boards.

Pinipilit pa rin ako ng papa ko kasi pangarap niya magkaroon ng doctor na anak. Lagi niyang sinasabi na walang mararating course ko, pinupush talaga niya ako. Kung dederetso na ako na maghanap ng trabaho, sobrang baba ng sweldo dito sa Pinas, hindi kaya i-maintain lifestyle na kinasanayan ko. Kung magmemed naman ako, sobrang tagal pa bago dumating ang pera at wala na rin akong tiwala sa kapasidad ng utak na meron ako feeling ko naging bonak na ‘ko. Pwede ring magmed kasi ayoko maging tambay after boards.

Hindi rin ako ready, ‘di pa ako nagnmat at hindi ko alam kung may tatanggap pang school sa akin this year kasi May ko pa balak magtake. Ayoko na maggap year ulit ang tanda ko na.