Ang hirap umalis sa INC!
Hello! Member ako ng inc now, bata pa lang ako inc na ko eh. Nung nagka isip na ako i started questioning my religious beliefs at alam ko sa sarili ko na hindi ako naniniwala sa diyos, hindi rin ako naniniwala sa mga aral sa inc.
15 y/o ako now sinabi ko kay mama ngayon na sasamba ako ng 3 years hanggang sa mag 18 ako at pag hindi nag bago ang desisyon ko mag sstay ako, pero pag hindi talaga ako na convince na may diyos at hindi ako napaniwala ng mga aral sa inc aalis ako dahil ayoko na mag panggap na naniniwala ako sa anumang aral na gusto nilang ituro sa mga tao dahil alam ko din sa sarili ko sa kulto ang inc mahirap at masakit sabihin kase halos yun na ang kinagisnan ko at pinamumuka talaga nila sakin na wala akong choice kase anak lang ako and syempre nga im still a minor.
Halos lahat ng kamaganakan namin sa father side is INC tas mas malapit pa kami sa side ng father ko kase yung mga kamaganak namin is nakatira sa iisang lugar, which makes it more difficult for me to leave, nung sinabi ko yun kay mama grabeee ang hirap talaga makipag usap sa mga relihiyosang matatanda para ka talaga nakikipag usap sa pader, nakikinig lang sila hindi nila iniintindi lumalabas sa bibig mo, yung hate na nanggagaling sa kanila mararamdaman mo talaga, hindi nila matanggap tanggap na may mga taong hindi naniniwala sa diyos at sa aral ng INC.
Sinabi ni mama sakin kung hindi raw ba ako kinikilabutan sa sinabi ko, grabe yung hindi nila pag sang ayon at yung hate na dala dala nila sayo nung narinig nila yun, tinitingnan ka nila na parang ang sama sama mong tao, o hindi kaya nakapatay ka, o nasisiraan ka na ng ulo, sa sobrang talino ko raw kung ano ano nang pumapasok sa utak ko. Ang sakit sakin kase mahal ko sila pero kung itatakwil nila ako dahil hindi nila matanggap na ayoko sumali sa INC at hindi ako naniniwala sa diyos kayang kaya ko silang i cut-off sa buhay ko, pero magiging mahirap kase minor palang ako at nag aaral pa.
May samba bukas at hindi ako dadalo at mag papakatiwalag na ko kase yun lang yung way, alam kong magagalit sila sakin and eventually mag aaway kami, hindi kase sila nakikinig hindi sila open na makipag usap sa mga ganung bagay. Pero kung itatakwil nila ako bilang anak dahil lang salungat ang opinyon namin tungkol sa relihiyon at diyos at pipilitin nila ako lalayas ako, ayoko na talaga.
PLEASE help me po if ever na hindi nila ako payagan na umalis sa INC hindi ko na po talaga kaya, nakakaiyak wala daw akong karapatan kase anak daw nila ako at dahil lang hindi ako naniniwala sa diyos grabe na ang tingin nila sakin.
Kaya nyo po ba ako tulungan? Hanapan ng mag aampon sakin at mag papaaral? I know this is too much pero desidido po talaga ako pag hindi nila ako pinayagan. At kung payagan man (kahit alam ko na hindi) pipilitin pa din nila ako, walang sawang pag bubunganga at pag pilit na dumalo sa mga gawain.
Minor pa lang po ako kase ang nasa isip ko lang po ay tama ako, pero it doesnt matter kase yun ang opinion ko at kung wala silang respeto at hindi nila yun kayang tanggapin, ako na mag aadjust.
Tulungan nyo po ako, if ever sana mahanapan nyo po ako ng magpapatuloy at magpapaaral sakin hanggang mag graduate ako, dahil ayaw ko na po dito please lang, nakakasakal ang tingin nila sayo ang tanga tanga kase yun ang nasa isip mo at ayaw mong umanib sa INC.