I feel so lost and empty sometimes, but I don't wanna go back to the INC church after magising sa katotohanan

I came from a family na sobrang dedicated sa kapilya. Handog po ako and parents ko po, parehas po silang mang-aawit at the time at sobrang active po sa katungkulan nila. Anyway, life happened, I turned 18 and ever since I was exposed to the truth and information na nakakadisappoint + the whole Angel Manalo issue years ago, tuluyan na akong lumayo sa church.

Ang paniniwala ko pa noon, inuusig lang ako ng mga information and science. For a time there, I became an atheist because of my crisis and doubt of God's existense. Naging galit ako sa lahat ng religion, but dumaan din sa life ko na hinanap ko ulit si Lord and nararamdaman ko pa rin siya sa puso ko.

Gusto ko ulit maging active church goer, pero hinding hindi na ako babalik sa INC. Pero nandoon pa rin yung practices ko na hindi pagkain ng dinuguan. Ewan ko kung ako lang nagkakaganito na experience but I hope you don't judge me. I miss the time when I felt whole sa church. Siguro feeling of nostalgia lang. Nakakalungkot lang minsan iniisip ko magbalik-loob pero maririnig ko nanaman mindset ng mga kaanib sa INC gusto ko mambasag ng bunganga ng mga feeling perfect at feeling matic maliligtas.

Miss ko lang yung idea ng pagiging present sa church. I think I'm depressed but don't wanna self-diagnose. Sobrang lonely and empty kasi. 28 na ko ngayon & 10 years na ako di sumasamba and for sure tinanggal na rin sa tala at di na babalik since I love my girlfriend and we're both girls. Hindi ko lang alam kung ano dapat ko maramdaman sa crisis ko ngayon. Haha ano bang pwedeng gawin? Haha sorry ang gulo.