Walang katapusang brainwashing

syempre pagsamba na naman kanina..nakakawalang gana dahil tungkol na naman sa pagsunod at pakikiisa sa pamamahala..nakakabagot makinig dahil alam ko sa sarili ko na wala ang puso at isip ko sa pagsamba..pinagmalaki syempre yung "historic"daw na aktibidad nung lunes kung saan nakiisa ang mga kapatid..kesyo may pumunta daw na mga kapatid na differently abled persons..dapat daw gumaya sa kanila na kahit may mga iniinda sa katawan o may kakulangan, nananampalataya at nakikiisa parin sa mga gawain sa iglesia..gusto ko sanang tanungin kanina eh, buti pa yung mga kapatid nakipagkaisa, eh yung EVM at AEVM nyo nagawa din ba yon?pumunta ba sila at nakiisa?pero syempre mga bulag at brainwashed ang mga OWE na kapatid..sa totoo lang ayoko sumamba kanina kasi pagod ako galing trabaho pero syempre para di magtampo ang asawa ko,sumama nlng ako..ayoko na talaga sa kulto nato..sana lang at lagi ko pinagdadasal na matauhan ang asawa ko..