My rescue cat Mikamik
Hello everyone!!!
I just want to share my MikMik's journey after being rescued hopefully to inspire na din.
So way back May 2024 pauwi ako galing work ko na meet tong pusa and di ko kaya na panuorin na pinapasagasaan sya sa mga sasakyan para daw mamatay na kase balik ng balik sa bahay nung previous owner kaso nakakaligtas sya sa dumadaang sasakyan.
So I decided na pulutin nalang sya at ampunin kesa patayin sya pag bumalik pa sa dati nyang amo. 1 month old palang sya that time kaya grabe iyak nya. Nagagalit pa sakanya mga original kong pusa na sina Summer at Winter kase may bago nanaman ako ampon 🤣
Pero tinanggap din nila after a month however may komplikasyon pala sa bituka si MikMik lumabas organs nya due to too much parasites di ko alam na may ganyan kaya buti nalang may 24 hr veterinary dito somewhere in Banawe at nakaligtas sya.
Now look at his progress ang dating iyakin ngayon very healthy na. Kaya pala bulag yung right side ng mata nya kase binulag sya ng previous owner nya as per Vet.
The reason I named him MikMik eh kulay gatas sya pero gusto nya lagi madungis 🤣🤣🤣