Pagod na ako sa buhay online shet
I am so fakening tired of the online-work lifestyle. Nakakaumay din pala. Working in the digital space has allowed me to settle debts at medyo umangat sa buhay in general pero dumating na ako sa part ng buhay ko na nakakasawa nang humarap sa computer.
Last kong bukas was a 12am meeting before NY ever since di na ako nagbukas. Iniisip ko palang ang Monday check in mamaya parang nasusuka na ako.
Tapos nabasa ko lately na kapag matagal na panahon daw na fucked up ang circadian rhythm mo (gising ka from 10pm to 4am) malaki daw chances na magkacancer etc.
Shet.
Ang resolve ko unti-unti akong maghanap ng paraan para mabuhay nang hindi masyadong dependent sa online gig economy. Ayoko din namang ighost ang mga clients ko ngayon. I only have 2 right now, balak ko na iabot hanggang 2026 pero dapat by then, may naisip na akong ibang paraan para mabuhay.
Ang sarap ng lifestyle na naibigay samin nito at privileged ako na nakapasok agad sa industry noong nagsisimula palang siyang makilala pero nauumay na talaga ako.
Feeling ko kailangan ko ng renewed passion over it or may iba na talaga akong tatahaking bagong course ng buhay.
Kaso sa edad kong ito nakakabaliw naman na magjump off a new thing, kaso punyeta ano bang pwedeng gawin na kumita ng malaki offline hahaahha yung legal.
Nagrant lang. Haha.