hindi na ako kinausap ng boyfriend ko

Problem/Goal: hindi kami okay ng boyfriend ko since friday pa (January 24, 2025) hinahatid niya ako sa work ng morning and sinusundo niya din ako pag uwian na, 4pm out ko siya naman ay 5pm pa kaya kapag maaga akong nakakarating sa crossing hinahantay ko siya sa 7/11, uwian ng friday inantay ko siya sa 7/11 kase akala ko susunduin niya ako at sabay kaming uuwi pero hindi pala hanggang sa tawagan ko na siya ilang beses pa akong nag missed call hanggang sa sagutin na niya at tanungin kung masusundo ba ako ang sagot niya sakin ay ‘ hindi, meron pa kasi akong ginagawa eh’ medyo nainis ako ang sagot ko naman ay ‘ sana sinabe mo, sana marunong kang magsabe para hindi na ako nag intay ‘ hanggang sa ibaba ko na ang tawag hindi ko na siya inantay na makasagot, sumakay na ako ng jeep pauwi hanggang sa nasa biyahe na ako ng nag chat siya sakin ng mga bandang 6pm na pauwi na siya sabe ko naman ay ingat, simula non hindi na niya ako nireplyan hanggang ngayon (January 29, 2025) at hindi na rin siya nagparamdam, hindi ko alam kung anong dapat kong gawin, ano bang dapat kong gawin?

nainis lang naman ako kase hindi siya marunong makipag usap sakin, everytime na tinatry ko makipagusap sakanya iniiwasan niya ako or hindi niya ako papansinin kaya ang nangyayare tuloy hindi kami magkaintindihan.