7 years no label. 3 months magjowa.
Problem/Goal: 7 years na kaming no label. Last year, nakapag desisyon na ako na istop na yung paghihintay ko pero bigla siyang nag ask if pwede na ba kaming magjowa. I said yes. Within those 7 years, may ka chat siyang iba or ka fling2 pero wala akong magagawa kasi no label nga kami. Hindi ko kayang magawa sa kanya yung mag fling2 sa iba kasi alam kong masasaktan siya. Sinabihan niya ako na magbabago na siya kasi in a relationship na kami. May hope din naman ako.
Ngayon ang problema ay yung parents niya. Im 25yrs old btw. Before, nung students pa kami. Ang babaw ng tingin ng parents niya sa akin kasi wala pa akong mapakita. While nagstudy sa college, nag start na din ako mag work as a bpo agent. Right now sa awa ng Diyos, may mga investment na at negosyo while keeping my work. Wala po akong bisyo. Im just really prepping myself para sa future namin. Always ko sasabihin sa kanya na soon bibili ako ng bahay namin na kami lang dalawa. Pero sobrang hesitant niya at biglang mag open up siya ng bagong topic sa convo namin. Sinabihan din ako ng mga closed friends niya, nagsasabi daw yung nanay niya sa kanila na hindi nila gusto na parati kaming magkasama. Last night, bumili kami ng coffee. Dalawang coffee. Para sa akin at para sa kanya. Nung pumunta kami sa bahay nila. Hindi namin nabilhan yung helper nila ng coffee kasi na short kami sa cash. Sinabihan ako na ng nanay niya na "pangit talaga ng ugali mo bat di mo binilhan kasali yung helper". Hindi na talaga umimik bilang respeto nadin sa jowa ko. Sinabihan ako ng jowa ko na pabulong na "joke lang yung sinabi ng nanay ko". Its not funny at all. Hindi niya din gusto humiwalay sa parents niya. Nagrereklamo na din siya sa akin before na, kinokontrol ng parents niya yung life niya.
Iwan ko talaga. Ayaw ko magbukod ng bahay na kasama parents niya at hindi ko na talaga matiis parents niya. Gusto ko lang talaga peace of mind. I think it would be better na makipaghiwalay na kami kasi ako yung nahihirapan sa situation namin. Ipinatatanggol pa niya yung parents niya which I understand kasi parents niya. Yung hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako yung pinag aadjust niya sa lahat ng situation at sasabihan pa ako na to understand her parents kasi daw hindi ko alam yung pinagdadaanan nila. Nalilito na ako. Im not sure if nag overreact ba ako?