I keep receiving this text. Medj kinakabahan na ako.

Problem/Goal: I keep receiving this text na magbayad daw yung asawa ko ng utang (im single) then may nakalagay na pangalan. How do I make this stop? Medjo nakaka kaba na rin.

Context: Kahapon ko nareceive yung unang text. Ito yung nakalagay:

“[Name]. asawa mo yan ? bakit asang asa yan na matatakasan nya yung utang nya ?”

As in ganyan na ganyan yung text ultimo spacing. Di ko pinansin nung una kasi baka marealize din nila na wrong send. Then may nag send ulit na same message pero ibang number. I blocked the first one kaya binlock ko rin yung pangalawa. Ngayong araw, may nag text ulit na ibang number na same context pero more formal na yung message:

“We are humbly asking for the help to inform Mr./Mrs. [Name] for very important matter. We’ve been trying to contact our client but until now we don’t receive any response. We are very sorry for any disturbance that this message has brought you, but any effort to comply with the above request will be highly appreciated. Thankyou!”

Ganyan na ngayon yung text. So naisip ko baka totoo nga? Di ko kilala yung binabanggit na name, at single pa po ako. Sabi nung friend ko wag ko daw replyan. Pero okay lang ba na wag replyan at wag sabihin na wrong number sila? May nareceive na rin akong 2 calls from diff numbers pero di ko sure kung sila yon kasi di ko sinagot.

Medj scary kasi yung number ko gamit ko sa maraming digital/online platforms. Tapos mamaya baka pati address ko malaman nila, while thinking na ako nga yung asawa nung may utang sakanila. Should I just keep blocking numbers or replyan ko ba? Is this a new type of scam?

Previous Attempts: I blocked the numbers nung mga unang nag text sa akin, pero parang mag tutuloy tuloy to and they’ll just use different numbers.