My BF (29) is cheating on me.

Problem/Goal: Paano ko ibbring up sa BF ko na alam kong nag che-cheat siya sakin. Kasi naka archive yun chats and di siya aware na na-oopen ko phone niya.

Context: Ayokong malaman niya na oopen ko niya baka baguhin niya yun password. 😂

Wag sana ma post sa ibang sites. 😂

May BF (29M)INC ako, I'm 27F (RC). One year na kami mag BF/GF. Kilala ako ng whole family niya, and kilala din siya nga whole family ko.

Lately ko lang nalaman na babaero at cheater siya - may nagchat sakin na kinwento un past niya.

Ang kwento habang may GF siya before maging kami, may nilalandi siya na taga south area (Di ko na lang isheshare yun place baka mabasa niya to). There are 4 girls (I think). FYI: Mahilig pala siya sa virgins. Yun isang girl - let's call her clara. Si Clara(INC) nagalaw din ni BF habang sila pa nung ex niya.

Ang sinasabi niya, hindi daw cheating yun since may times daw nakikipag hiwalay yun gf niya that time ng weeks or even months - like no contact daw talaga. So inaassume daw niya na single siya kaya siya nambababae. Tinanong ko bakit pa siya nakipag balikan sa ex niya kung may nakakausap na siya na ibang babae diba. Ang sabi niya, mahal daw niya si girl, tinatry daw niya kung talagang magbabago ang ugali ni girlash.

Tinanong ko si BF kung magagawa niya pa yun if magkaka arguments kami. Sabi niya hindi daw. Kasi hindi siya cheater.

Before pala: Naka chat niya yun ex niya sa IG and messenger without me knowing. Kaya ko nalaman is na open ko un phone niya and boom. Tama nga intuition ko. That's around March 2024. Nawalan talaga ako ng tiwala. Iyak ako ng iyak. Nakipag hiwalay ako pero ayaw niya. I told him about sa na feel ko. Hindi daw niya alam na cheating yun. Hindi na daw niya uulitin.

Lumipas ang mga buwan hahaha.

May nabasa na naman ako. Sabi niya kasi si Clara binlock siya since nalaman na may GF pala siya before. Nagulat ako at nakita niya na hindi na siya naka block kay Clara. Mas nagulat ako na magkachat sila. Inaasar siya ng BF ko regarding sa pag aunblock sa kanya. Around November un conversation nila ni Clara. Tinatry din niya tawagan si Clara pero hindi sinasagot ni Clara yun tawag.

Girl 2 issue naman: Tawagin natin sa name na Mara. Ang context ng chat nila lokohan lang like nagtatanong lang si BF kung saan na siya nag re-rent. If solo lang siya sa place niya. May sinabi pa si BF na, baka magalit BF mo kung kakain tayo, baka isipin niya ikaw pa kainin ko. Tapos china-chat niya ng manlilibre ka ba bukas, something na ganon. Before pa to ng Anniversary namin. Sinabi pa niya na "Diyan na lang tayo kumain sayo, mag order na lang tayo."

Hindi ko alam paano ako makikipag hiwalay. May mga gamit/damit ako sa condo niya. 😂

I really love him until now. May plano pa ako mag INC para ikasal kami tapos ganito. I will end our relationship na this year.

Help niyo ko.

UPDATE:

I got my gamit and clothes na! Hiwalay na din kami. TY ALL 🤣