Any advice kung ano gagawin sa tenant na hindi nagbabayad ng kuryente at tubig?
Di ako sure kung anong flair ang gagamitin ko kung renting or respondsibilities at home haha anyways
Supposedly di naman talaga namin pinapaupahan tong spot sa loob ng compound. Sa pagkakaalam ko yung area na yun ay lababuhan nung isang tenant talaga namin na nangunugpahan sa tindahan.
Pero dahil sa pabibong kong Mama (56), pinaupa niya ito sa kakilala niya. Ginawan niyan ng paraan at naglagay ng make-shift bahay doon sa may lababo area, as is sinabitan niya ng kurtina lang.
A little background doon sa kakilala ng Mama ko, pinalayas yun ng Tatay niya kasi matigas ang ulo. Panay inom at sigarilyo, kahit ilang beses mo nang pinagsasabihan sige pa din ng sige. Single mom na may dalawang anak, di nakapagtapos, at nag-eebike ngayon para kumita (nung bandang 2024 December lang siya nag ganun).
Going back, simula August hanggang ngayon na silang nandiyan. Ni walang inaabot Mama ko na galing sa kanila na pambayad ng tubig at kuryente, eh kasi daw hinahantay pa yung financial assistance galing city hall. Quarterly ang bigayan nun, hindi naman pwedeng wala silang bayad ng mahabang buwan kung monthly naman sila gumagamit ng tubig at kuryente.
Ngayon balak ko kausapin, pero mukhang inabisuhan na nang Mama ko na umalis muna. Pero nagmessage naman na ako doon sa tenant na yun na kung pwede makausap tomorrow.
Iniisip kong paalisin sa compound by making a complaint sa baranggay pero knowing yung Mama ko ka-close niya yung Chairman baka di tumalab. And if ever mapaalis naman yan diyan, I'm sure pababalikin din ng Mama ko yan whenever I'm not around sa bahay dahil sa trabaho.
Any advice on what I should do? Tysmia!