Exclusive lang ba sa races ang carbon plated shoes?

Meron ba rule na pang race lang talaga ang carbon plated shoes? Epal lang kasi yung kasabay ko sa Nike kahapon, I was fitting the Alphafly, Vaporfly, Pegasus 41 (all are the Kipchoge edition, meron na ako nung Zoom Fly 6) trip ko lang kumpletuhin yung lineup (I also collect sneakers, not really a good combination if you’re also into running) then may humirit na “Bro, mukang may race ka ha?”, sinagot ko naman ng maayos na wala, pang normal runs ko lang, biglang banat na “sayang naman bro, pang race yan!”. Hindi ko na pinansin kasi ayaw ko masira ang araw ko dahil sa kanya, paid the items and alis na.

For my background, I run 5-7k on weekdays, 10-12k on weekends, I do this 3-4 times a week, 2 years na ako sa running but never joined any fun runs or races, i just run for my health and para makain ko mga gusto ko while on maintenance meds. I race myself by beating my PR or adding distance to my usual runs, so siguro naman deserve ko naman gumamit ng carbon plated shoes kahit hindi ko goal sumampa sa podium at sabitan ng medals.

Kung nandito ka “Bro” at mabasa mo ‘to, kung yung dating mo ay pa-humble na parang gusto mo din ng carbon plated baka binilhan pa kita kasi ang ganda ng araw ko kahapon.