Mentally draining maging unemployed for almost a year
Ilang months na ako nag hahanap ng work at late nov lang may mga nag invite sa akin for interview which is bilang lang sa daliri up until now january kahit everyday ako nag sscroll sa indeed/fb/linkedin ng work. Tbh, sobrang nakaka depress sa pakiramdam na yung mga ka-batch at friends ko stable na sa work at nakakapag provide sa fam samantalang ako gusto ko nalang magpalamon sa lupa dahil everyday miserable feeling ko wala akong silbi sa bahay. Minsan lang ako nakakapag abot ng pera sa nanay ko kapag kailangang kailangan at kapag walang work tatay ko minsan dahil nga limited lang din savings ko from previous work ko.
Feeling ko natutuwa or magaan lang pakiramdam ng nanay ko saakin kapag may naiaabot ako pero pag wala, mainit na ulo niya saakin palagi. Kaya hindi ako naniniwala na money can't buy happiness dahil palaging wala sa mood nanay ko pag walang pera at feel ko minsan hindi nila ma-gets yung pinag dadaanan ko ngayon akala nila chill lang ako pero sobrang daming negative thoughts tumatakbo sa utak ko araw-araw mula paggising hanggang pagtulog.
Nakakapagod din kasi parang feeling ko ayun lang silbi ko sa bahay yung mag bigay ng pera kasi kahit tumulong ako sa mga gawain bahay parang hindi nila na-appreciate tapos problemado pa ako dahil ghosted din sa mga ina-applyan ko then yung savings ko paubos na tapos wala pa din akong work. Natatakot ako para sa future ko at ng pamilya ko feeling ko forever akong mamaliitin at walang silbi sa kanila kapag wala akong trabaho. Sana bago matapos itong taon na ito magka work na ako para hindi ko na ma-feel na ako yung least favorite na anak sa pamilya.