Who are your auto-read authors?

Mine: - Abby Jimenez - cutesy romances tas ang ganda ng depiction ng mental health sa books nya

  • Taylor Jenkins Reid - sikat yung mga main characters ng latest books niya and ang ganda ng pagkakasulat, yung emotions na mararamdaman mo habang binabasa grabe talaga

  • Blake Crouch - first scifi thriller ko and ang galing! Ang hirap i put down pag nasimulan mo na

  • Harlan Coben - di ka pa nakakagetover sa isang plot twist e sasampalin ka ulit niya ng isa pa… tapos isa pa!!

  • Alice Feeney - magaling din to magpaikot sa plot twist, akala mo alam mo na pero hindi! Hindi!

  • Riley Sager - easy to read ang thrillers niya tho minsan comedy thriller siya for me kasi ang tanga ng mga characters haha

  • Colleen Hoover - controversial pero nung transitioning ako from wattpad, nabasa ko lahat ng works niya kaya nahilig ako lalo magbasa

  • Bonnie Garmus - sobrang ganda ng lessons in chemistry sana may next book na siya haha

  • Tess Gerritsen - female medical examiner and police tandem, may tv series yung rizzoli and isles. Di ako nakakacommit sa series pero book 7 na ako sa kanya.

Local: - Ricky Lee - ang galing magsulat, yung puso ko kumirot talaga sa Para Kay B. Never ko malilimitan yung librong yun. - Edgar Calabia Samar - ang ganda ng janus silang series kahit hanggang book 2 pa lang nababasa ko. Kung gusto niyo ng fantasy book na filipino, eto na yun!