Nagkita ulit after 13 years.
As the title says, yes and somehow napaka awkward nung situation ko. I really hope na mabilis matapos ang shift ko at maka uwi na agad. 🤣
For the context I (28M) Registered Nurse sa isang hospital outside the country and nagduduty ako sa Surgical area. Then one day I received a call sa Emergency Department, the usual stuff we do everyday, admissions. Syempre sa everyday ko na ginagawa ko yin na routine, di na bago like kahit sino ka pang pasyente na darating, I don't care as long as I do my part professionally at tama. Ngayon nagbigay na ng report ang nurse sakin. This reports consists of patient's details and ying case. Sa mga kapwa ko nurses dito gets nyo na kung ano ang patakaran. Then narinig ko over the phone ang name na matagal ko na di narinig at walang balita or update. Imagine its been like 13 years ago since last contact namin nung ex ko na yun. 😆 kaya you'll get what I felt that day. Anjan sa mind ko "damn bat sa dinami daming pasyente sya pa 😅 and bat ako yung duty at maa-assign sa kanya. Naging maayos naman ang separation namin noon at walang hurt feelings na nagyari since we pursued each of our careers kaya di na namin ma mind ang isa't isa so we decided to part ways kaya ok talaga. Now, at the same time sa mind ko daming what ifs at whats like ano na kaya sya ngayon or natatandaan nya pa kaya ako like that. We are not friends sa social media kasi di ko alam name nya dun at never kong sinearch 😅. I just said, "ok bring her in". For surgery kasi sya at natural dun sa babagsak saking area. 😆
At first nung nakita ko sya ulet after 13 years its surreal like di ko alam ang gagawin ko at ano ang sasabihin nung dinala na sya sa unit ko at ako ang nag receive. Syempre professional tayo kaya yun ang boundaries. I pray na may kapalitan ako kaso no choice short staffed kami so ako talaga mag hahandle sa kanya. Damn di ko maintindihan ang feeling ko like basta esp everytime pumupunta ako sa kanya para mag monitor, magbigay ng meds, etc. 🤣 talagang tiklop si lolo nyo. And I'll admit ang ganda nya parin after all these years 😱😱 at ang awkward pa kasi sya pa yung unang kumausap sakin kasi na recognize nya ako at ako di ko daw sya naalala pero deep inside syempre I remember her kaso syempre di pahalata. 🤣 She's still the same as what I know her. Different paths nga tinahak namin pero sino mag aakala na dito pa talaga kami sa US magkikita ulet. 🤣
Wala lang, I just want this to be off my chest. Hanggang ngayon andun pa rin sya naka admit since kakatapos lang nung operation nya. Day off ako 3 days kaya if di pa sya ma discharge by the time duty ulit ako, ako ulet mag hahandle sa kanya. Thanks for reading my long post guys. 😄