Small moments today that made me feel helpless

Kanina, nagpagupit ako para sa oathtaking ko bilang abogado next week. Sinabi ko sa barbero yung gusto kong gupit. Habang nire-razor ng barbero yung buhok sa likod ng ulo ko, walang anu-ano, bigla niyang ni-razor yung kalahati ng bigote ko. Napalikod ko yung ulo ko kasi nagulat ako. Tapos ni-razor niya yung other half ng bigote ko. At that moment, gusto ko siyang murahin kasi yung bigote ko pinagtiyagahan kong patubuin ng limang taon at every week kong tini-trim. Tapos bigla niyang aahitin nang hindi ko sinasabi. Naramdaman ko yung galit. Naramdaman kong helpless ako sa sitwasyon na yun. Pero non-confrontational kasi akong tao kaya tumahimik lang ako.

Pauwi na ako ng bahay, sumakay ako ng bus carousel at siksikan. Pagdating sa station na bababaan ko, ako lang yung bababa. Naghihintay akong buksan ng driver yung pintuan sa likod ng bus pero hindi niya binuksan. Binuksan niya lang yung pinto sa harap at nagpapasok na ng mga pasahero. Edi mas lalo naging siksikan at mas hirap ako maglakad papunta sa harap na pinto. Nang isarado niya yung pinto, sabi ko "may bababa pa" in the nicest tone. Ang sagot ba naman ng driver sakin: "Kanina pa ako nagtatanong ng bababa eh." Gusto kong isigaw na "gago ka pala eh, hindi mo binuksan yung pinto sa likod." Naramdaman ko yung galit. Naramdaman kong helpless ako sa sitwasyon na yun. Pero non-confrontational kasi akong tao kaya tumahimik lang ako.

Moving forward, ngayong 2025, hindi na ako tatahimik. Kapag uncomfortable ako at feeling ko helpless ako, magsasalita ako nang hindi ko iisipin ano ang mararamdaman ng ibang tao. Tangina nila. Huling pagkakataon na yung mga yun na feeling helpless ako.