Sira ang Pasko namin ng dahil sa Salad

Yes haha badtrip. 22F here, ever since di kami nagsasalad ng pamilya ko kasi mahirap lang kami. Wala kaming ref and di namin affort yun. Now, nakagraduate at nagtatrabaho nako, afford na namin. May ref na din. I'm living with my mom and lola. Mama have been living alone for 6 years and wala din syang masyado alam sa pagluluto at ngayon lang kami nagkasama for a long time.

So about sa salad, gusto ni mama may chicken breast yung salad saka carrots. Eh lalagyan pa namin sya ng fruit cocktail and nata de coco, kremdensada, etc. Sabi ko sa kanya wag lagyan nun kasi desert namin sa Pasko.

Nagalit sya. And side note, mama has anger issues and very sensitive talaga sya like it feels like walking on thin glass lage tho nagkakabiruan naman most of the time.

Tinigil nya yung pagpapakulo ng tubig. Pero pinabayaan ko nalang, isip ko na lilipas din.

I woke up from a nap then sabi ko sa kanya na tara lutuin naten yung salad. Wala sya imik so sabi ko na inis padin ata. So ako nalang gumawa.

All done and tapos ngayong dinner na, tinanong sya ni nanay ng something nagalit sya.

Ewan ko din saken pero napikon ako kasi narinig ko sya nagsabi na "bahala kayo, nakakawala kayong gana".

Naisip ko di pa sya tapos sa salad na yun? Ayon, niratrat ko nga. Di ako warfreak ha pero pag naiinis ako, kinumpronta ko talaga.

So ayon. Iyak sya, iyak ako, iyakan kami pero masama padin loob namin sa isat isa haha

Though alam ko na about to sa salad kasi pinagsabihan ko sya na bat may chicken breast and carrots yun, eh di naman yun yung napag usapan namin na luto. Pero somehow, naiisip ko din na baka this is beyond salad.

Ewan ko sino samin may problem sa utak haha yun lang bye.

EDIT:

Hello all, thanks sa mga nakaunawa na this is beyond salad haha

Sa mga di nakagets, gusto ni mama savory na salad. Ako, gusto ko sweet na salad. Kasi pinagusapan namin dessert yun sa pasko.

True, pwede naman kasi dalawahin ang luto kanya kanya kami madami naman kami dito macaroni elbow and all. Edi nagluto ako ng akin. Pero hindi, binig deal nya yun hanggang gabi. Dabog dabog sya.

Pinagsabihan ko nga na "jusko para sa salad, ganto ganto ka, paskong pasko, para kang isip bata", nagbantang maglalayas haha

Hanggang ngayon, parang ganon padin sya. Mabait naman si mama minsan pero nakakahawa kasi yung dabog nya na nakakadabog na din ako haha ayon lahat kami mainit ulo.