I’m proud of you!

Wala akong masabihan nang sinasahod ko ngayon. Halos 200k/mo na ung sahod ko. Ayaw ko naman kasi sabihin kahit sa mga pamilya or kaibigan ko dahil baka magsabihan nang mayabang.

Hindi naman din ako nag popost nang kahit ano sa buhay ko maliban sa kape at tanawin. Naalala ko pa before pandemic halos 29k lang sinasahod ko at masaya na ko doon. Nagulat lang ako kasi kakaumpisa ko lang sa bago kong trabaho at nakapag reflect sa journey ko for the past 4 years.

To myself—I’m proud of you! You’ve made it this far, and there’s still a long journey ahead. Keep going!

O s’ya, mag trabaho muna at baka ma-elbow.

Edit: Thank you sa mga bumati! I can’t reply to each one of you pero I appreciate all your time sending love. Salamat po ulit!

Edit again: Pls don’t message asking for money. I’m sorry wala po ako mabibigay 😭