upgraded from iphone 6s to 15
Ganon pala feeling mag-upgrade HUHUHU actually nakabili na ako last June 12 pa, pero ngayon lang nagsink in sakin kasi adulting life haha work-sleep balance ang buhay ko at bihira lang magkaoras para iprocess ang mga bagay...
Ang saya pala sa feeling to replace my 6s na binili ko 5 years ago tapos 2nd hand pa. Nasurvive niya online classes at board exam review ko 🥹 Kaso onti onti na rin siyang nasisira sa tagal ko ba naman na gamit.
This month, I bought the 15, latest model (as of today) ng iPhones. Grabe 'yan ang first reward ko sa sarili ko after 3 months of working full-time sa aking first job din. 3 months din halos ako dumanas ng petsa de peligro para mapalitan lang yung dysfunctional (pero natitiis naman) na 6s ko hehe. Grabe kinaya ko pala na hindi muna itreat sarili ko tuwing payday (example mga kape or bumili ng damit) para lang makapag-ipon.
Ganito pala feeling omg. Yun nga lang cons: grabe overwork at burnout sa trabaho pero, hello at least may iphone 15 fully paid yayyy out of my blood, sweat, and tears!!! 😭