Pa rant po huhuhu

If may choice ka naman maka hanap ng work sa iba field huwag na po kayo pumasok sa DepEd esp if single at medj maarte ka kasi po jusko nakaka drain po maging teacher sa public schools ( no choice ka mamili ng school na gusto mo nagssub pa lang po ako e, nakita ko na difference ng school from city sa mga far-flung areas nakaka-awa po ang sitwasyon) na-isip wala puso ang mga politiko ang lakas loob mag corrupt tas pinapaaral ang mga anak sa private schools kaya ba hindi pinapansin ang sector nge edukasyon hindi ko ma explain kasi mapapamura ka sa learning environment napaka kulang ng facilities and resources kawawa ang bata wala malinis na CR (imagine pag-uwi ko nalang ako iihi kasi po wala tubig (lagi sira)

ako na nag ssub pa lang napapa-isip ako para ba sa akin ‘to? worth it ba sahod ko? Sabihin na natin 30k ang sahod pag nag sub ka po hindi bayad holidays tapos po ang dami paper na dapat ipasa bago mag sub at ikaw mismo ang pa-ulit ulit na pupunta DO ang layo po transpo, medical pa, ayusin landbank, then balik ka ulit kasi mag pipirmahan ka. 3k siguro nagastos ko propoblemahin nalang ang expenses pag nag sub ka na transpo, food, plus iba ba contribution sa mga xmas party, buying learning materials para mas engaging ang discussion kasi kapag puro basa lang ppt makikita mo ang boredom sa mga bata. At passion ko po ang teaching ayaw ko po na walang natutunan ang bata sa akin, i even use my own pocket kasi po wala baon ang mga bata minsan.

For reference simple at hindi ako maarte pero grabe hirap po talaga pagtuturo at disiplina sa mga bata kulang ang oras para gawin ito tapos meron pa po sandamakmak na reports na need gawin. Pag dating sa bahay need pa po mag prepare ng lesson, activity tas checking pa. buti may nabibili na po online at ppt pero nakakalungkot lang po kasi nakukulangan po ako sa content ending titingin ka other resources books pero wala naman availability at if misan tlaga nakokonsensya ako if ever na hindi na ako nakapag download ng videos para mas maintindihan nila kasi kulang po talaga sa oras.

Despite of these challenges, alam ko na gusto ko field na ito. Nakaka-iyak lang na hindi ka yayaman dito teaching compare sa mga iba trabaho kaya hindi ko rin masisi yong iba teachers na sumasideline ng iba work pero in reality sa pagod naman hindi na nila maturuan ng maayos ang bata.

Ps: ang hirap pa mag ka item tapos hindi pa counted ang pagiging substitute teacher sa teaching service mo sa deped :((( Sana talaga ma-improve talaga ang education system natin.