Gusto kong maranasan yung makareceive ng flowers
2 AM thoughts malala.
Hello, I'm 25 F, NBSB, pero I've had dates and tried online dating before. Wala lang, gusto ko lang talaga maranasan yung makatanggap ng flowers 😭 Just because flowers mula sa guy na dinedate ko. Never pa ako nakakatanggap as in, kahit valentines day sa school noon, wala talaga.
Ang daming nagsasabi na I have the face card, wits, and mabait, at sumusubok naman ako lumandi talaga, kaso wala eh. 'Di ko alam bakit laging sa go with the flow o kaya sinungaling na boys ang nakakamatch ko. Tapos kapag iniistate ko na seryoso ako sa intentions ko, bye bye na sila.
Hopeless romantic kasi ako. Minsan natatawa nga ako sa sarili ko na bumili ako ng maraming salonpas kasi sabi ng kausap ko noon na masakit katawan niya kakajogging tas the next day ghosted din pala 🥲 Ako na lang gumagamit ng salonpas HAHAHAHA. Anyway, ayun unapologetically lover girl pa rin kahit ang daming failed talking stages.
I know I'm able to give love, but will I ever be loved? In a romantic way? HAHAHAH ayon lang naman gusto ko makareceive ng flowers tas kiligin ka okay good night HUHU