Commute forever

Am i the only one na kontento na sa pag-co-commute (jeep/taxi/grab/bus/angkas/etc.)…

Hindi ko naman wish mag-drive (although nag-aral ako dati tsaka may car nmn kami). Di ko trip kasi ma-stress sa daan, maghanap ng parking at yung dapat parating alerto, tapos super traffic pa everyday.

So if im gonna be stuck sa traffic and all the siksikan… Mas gusto ko tlga yung naka-upo lang ako sa passenger seat. Kinig music, tingin-tingin sa road, appreciating the wind ganyan haha. At yung feeling na everyday may chance na mameet na ibat ibang tao along the way while commuting.

Kayo ba?

Additional info: Hindi pala ako mrt lrt going to work… Tsaka hindi rin rush hour ang pasok ko. Kaya ko siguro nasabi ito.