ABYG kung iccut off ko yung circle of friends ko?
ABYG kung iccut off ko yung circle of friends dahil lagi silang di nagrereply?
Nag aaral ako sa Manila, and I'm from QC, malayo at mahirap makasakay kaya most of the time late ako ng 10-15mins especially sobrang traffic sa espanya.
Tuwing magmemessage ako to ask kung nandoon na ba yung prof, lagi silang walang reply. Pero tuwing ako naman ang maaga, lahat ng tanong ang messages nila wala pang ilang segundo may reply na agad from me.
Mind you, lima kami sa circle, and apat sila na naka dorm so usually mas maaga silang nakakarating and marami naman sila kaya parang nakakatampo na bakit walang nakakapagreply.
Syempre dahil walang nakakapagreply lagi, lagi akong kabado na baka may prof at may pinapagawa sa kanila kaya tinatakbo ko talaga yung 15min walk distance (wala rin kasing tric & jeep na dumadaan sa area ng school namin). Okay naman sila kapag kasama na, mga sweet girl, yung mga tipo na mahilig mangyakap randomly.
Kaso netong opening ng second sem, I feel like I grew tired nalang rin especially now na yung mga bagong prof namin ay laging no show/di nagpapakita.
Lagi akong nagmamadali kasi wala talaga silang reply, and one week na kaming walang prof, kahit manlang reply na "la pa", hindi talaga maasahan sa kanila. I have no choice but to make fun of the fact na di sila nagrereply, I just messaged them, "itapon nyo nalang yang phone nyo HAHAHAHA".
And when I arrived sa library (di ko pa malalaman na andon sila kung hindi pa sila nag post ng story na nasa library sila), wala naman silang ginagawa kundi mag scroll sa phone. Pagkakita nalang nila sakin, sinabi nalang nila na, walang prof, absent. Kahit konting thoughtfulness nalang naman siguro diba? Kasi if ako yung nasa posisyon nila, I'd tell them right away para di na sila magmadali lalo na't after 6hrs pa naman next sub.
Parang wala lang sa kanila na grabe yung pawis ko dahil sa pagmamadali dahil kinakabahan nga ako na baka may ipinagawa na sa kanila. Flooded yung gc ng message ko, I'm literally begging for any update. Biniro ko uli sila, "itapon ko nalang yan phone nyo, di naman kayo nagrereply haha". Wala manlang, "hala sorry di namin nakita yung message mo", tawa lang sila as if nothing happened.
Iniisip ko na lahat ng reasoning na pwede e, baka naka mute yung gc? baka mabagal data? baka na lose track sila sa time? ayoko naman mag jump into conclusions kaso it happened a LOT of times.
I'm really kind sa buong klase to the point na someone na I'm not even close with would even volunteer na magbantay ng door ng comfort room since walang lock. I'm really really thoughtful na even when I bake snacks, the first thing that comes in to my mind is to bring and share it with them. I know I'm a good person so I can't even think of other reasons bakit ang dali sa kanilang iignore ako when it comes sa messaging.
Masyado lang ba akong nag expect sa kanila since I'd even do an extra mile for them, and I'm expecting them to do the same? ABYG?