ABYG kasi sinuntok ko sa panga yung bf ko kasi sinanla nya yung ipad ko?
hello readers I'm 24f and a call center agent and bf ko naman 26m unemployed. so last week kinukulit ako ng boyfriend ko kung pwedeng hiramin nya muna yung 13th month ko kasi pambabayad nya ng motor since wala syang ibang mapangkukuhaan ng pera, sakin sya nanghihingi kasi ayaw sya bigyan ng parents nya.
tumanggi akong bigyan sya ng pera kasi naka budget na yung pera ko para sa bills at pang handa na din sa pasko, ilang araw nya akong hindi pinansin kahit pinapaliwanag ko na wala nakabudget na yung pera at ayaw ko syang pahiramin dahil wala nga syang trabaho, saan sya kukuha ng pera? nitong teusday pumunta sya ng bahay para mangumusta.
akala ko ay nangumusta lang talaga sya. pumasok sya ng kwarto ko saglit tapos biglang nagmamadali palabas ng bahay. hinayaan ko nalang sya at hindi ako naghinala. kinahapunan hinanap ko yung ipad ko sa kwarto kasi manonood ako ng netflix. ilang oras akong naghanap sa bahay pero wala, hindi ko makita yung ipad ko. imposible naman na mamisplace ko yun dahil laging sa lamesa ko lng naman yun nilalagay. ang pinagtataka ko ay pati charger at box ng ipad na nakadisplay ay wala na din.
pinuntahan ko yung boyfriend ko sa bahay nila para tanungin kung nakita nya yung ipad ko dahil imposibleng malooban kami ng tanghaling tapat at sya lang naman ang huling lumabas ng bahay. umamin sya na kinuha nya yung ipad at sinanla dahil ayaw daw nya mabatak yung motor nya at wala syang ibng mapagkukuhaan ng pera. napaiyak ako sa inis dahil kauna unahang pundar ko yun sa pagtatrabaho ko. tinanong ko sya kung paano nya tutubusin yung ipad ko, ang sinabi nya sakin "6k ko lang yun nasanla tubusin mo muna tapos babayaran nalang kita pag may trabaho na ko" sa sobrang galit ko bigla nalang umangat yung kamay ko para pangahan sya. hanggang ngayon hindi parin kami nag uusap at hindi parin ako nakakatanggap ng sorry mula sa kanya.
ABYG kasi sinuntok ko sa panga yung bf ko kasi sinanla nya yung ipad ko para mabayaran nya yung motor nya?
(update ko kayo kung may magaganap next week)